Wednesday, July 14, 2010
When will it be? I really need lots of patience...
When it will be? Kelan nga ba? Para na akong punching bag na bugbog na sa katanungang yan. I hope and wish i can answer it... pero kahit sa sarili ko hindi ko magawang sagutin. Nakakaiyak isipin, nakakaiyak sa tuwing kami ay kinukutya na para bang hindi kami normal na tao. Sana mainitindihan nila kung ano ang pinagdadaanan namin, sana maintindihan nila na mahal namin ang isa't isa at higit pa yon sa pwedeng matanggap na biyaya mula sa langit. Hindi nga ba sapat ang pagmamahal sa mag-asawa, kakulangan nga ba ang hindi pagkakaroon ng supling? Hindi ba't bonus lang yon sa mag-asawa. Hanggang ngayon, umaasa at nangangarap kaming mag-asawa na isang araw kami rin ay maging isang magulang... magulang na magbibigay ng pagmamahal at pag-aaruga sa isang anak. Iniisip ko pa lang na may tumatawag sa akin ng Nanay ay lubos ang kaligayahan ng aking puso. Kumakapit pa rin kami sa pag-asa, at sumasalampalataya sa Maykapal na isang araw ay mayayakap namin ang isang munting anghel sa aming buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment